Tuesday, January 25, 2011

Panunumpa ng Katapatan sa Watawat

Ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ay ang panunumpa sa watawat ng Pilipinas. Ito ay isa sa may dalawang pambansang panunumpa, ang isa pang panunumpa ay ang Panatang Makabayan, ang pambansang panunumpa.
Sinasabi ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat sa isang seremonyang pang-watawat sa katapusan ng Panatang Makabayan o, kung hindi sinabi ang Panatang Makabayan, pagkatapos ng pambansang awit.
Naging legal ang panunumpa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 343 ng Pilipinas na pinatupad ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Araw ng Kalayaan (Hunyo 12), 1996, at pagkatapos, sa bisa ng Flag and Heraldry Code of the Philippines, o Batas Republika Blg. 8491. Walang sabi ang batas kung dapat anong wika dapat sabihin ang panunumpa, pero nakasulat ang panunumpa sa Filipino.


No comments:

Post a Comment